Buod Ng Pangangailangan At Kagustuhang Gawain

Buod ng pangangailangan at kagustuhang gawain

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHANG GAWAIN

Upang mabuhay ang isang tao, kinakailangan na matugunan ang kanyang mga pangangailangan at upang masiyahan, kinakailangan na makamit ang mga kagustuhang gawain. Ang pangangailangan at kagustuhang gawain ay mayroong pagkakaiba. Hindi lamang ito magkaiba sa kanilang mga salita, kundi, magkaiba rin ito sa kanilang mga kahulugan.

Pangangailangan ng Tao

Ang salitang pangangailangan ay tumutukoy sa pangunahing mga bagay na kinakailangan ng tao upang mabuhay. Ito ay ang pagkain, kasuotan at tirahan. Ang mga ito ay mga pangunahing pangangailangan na karapat dapat lamang matugunan ng isang tao. Kapag wala o hindi ito taglay ng isang indibidwal, hindi siya magkakaroon ng magandang buhay at makadama ng kakulangan o kakapusan.

Kagustuhang Gawain ng Tao

Ang mga kagustuhang gawain ay mga bagay na nagpapaligaya sa isang tao. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan, may mga bagay o gawain rin na nakakapagpasaya sa mga tao. Kabilang rito ang mga bagay na nais na makamit ng isang tao kagaya ng mga luho. Kagustuhan rin ng mga tao na magkaroon ng kapahingahan, pagkakakilanlan, at iba pa na makapagdudulot sa kanya ng kasiyahan. Kapag hindi ito nakakamit ng isang tao, nakakaramdam din siya ng kakulangan.

Ang dalawang bagay na ito ay hindi dapat ipagwalang bahala. Masasapatan ang buhay ng isa kung makakamit niya ang mga ito. Pero siyempre, upang makuha ang mga ito, kinakailangan ng isa na magsikap at magtiyaga sa pagtatrabaho. May kasabihan nga, "Kapag may tiyaga, may nilaga". Kaya sigurado, kung ang isa ay magsisipag, posible na ang mga ninanais niya at pangangailangan niya ay matutugunan din.


Comments

Popular posts from this blog

Tapusin Ang Mga Sinimulang Pangungusap: Ang Aking Pinapangarap Na Trabaho Ay ...

Types Of Literary Genres??

What Can You Do To Maintain And/Or Improve Your Fitness Level Scores?