Ano Ano Ang Mga Naidudulot Ng Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Larangan Ng Aham Panlipunan
Ano ano ang mga naidudulot ng paggamit ng wikang filipino sa larangan ng aham panlipunan
PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Nangangahulugan ito na ang wikang Filipino ang pangunahing diyalekto na ginagamit sa bansa. Bagamat napakarami ng mga diyalekto sa Pilipinas, ang wikang Filipino pa rin ang pinili upang maging pambansang wika. At syempre pa, dahil ito ang wikang pambansa, kinakailangan itong pagyabungin at pagyamanin pa.
Sa larangan ng edukasyon, ginagamit ang wikang Filipino upang ituro sa mga estudyante o mag-aaral ang ibat ibang paksa mula sa ibat ibang asignatura. Sa asignaturang Agham Panlipunan, ginagamit ang wikang Filipino para maintindihan ang tinatalakay ng asignaturang ito. Tinatalakay ng Agham Panlipunan ang tungkol sa mga tao, heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, antropolohiya at iba pang paksa na sangkot ang tao. Maganda ang naidudulot ng wikang Filipino sa pag-aaral ng asignaturang ito sapagkat ito ay nagbibigay daan upang mas maintindihan ng mga tagapakinig ang mahahalagang paksa na dapat malaman ng mga tao. Nagdudulot rin ito ng gabay upang maunawaan ng mga Pilipino kung paano tumatakbo ang ekonomiya at malaman ang katotohanan pagdating sa kasaysayan. Gamit ang wikang Filipino, mas nadadagdagan ng mabilis ang kaalaman ng mga Pilipino may kinalaman sa Agham Panlipunan. Nagsisilbi rin ang wikang Filipino bilang instrumento sa malayang komunikasyon upang mas madaling maipahayag ang mga ideya at saloobin may kinalaman sa mga paksa sa Agham Panlipunan.
Ang wikang Filipino ay wika ng ating bansa. Sa madaling salita, kung ito ang ginagamit na wika sa pagtuturo, mas natututo ang mga estudyante. Bakit? Sapagkat ang wikang ito na ang nakagisnan at natutunan simula noong bata pa lamang. Kaya naman, ang mga salita at pangungusap ay mas madaling maunawaan.
Comments
Post a Comment