Sa Paanong Paraan Maipapakita Ang Kabutihan At Katapatan?
Sa paanong paraan maipapakita ang kabutihan at katapatan?
Ayon sa isang ensayklopedya tungkol sa Bibliya, ang kabutihan ay isang katangian ng pagiging mahusay sa moral; kagalingan. Wala itong bahid ng kasamaan at dahil sa positibo at aktibo ang katangiang ito, nakagagawa ito ng pakinabang para sa iba. Ang katapatan naman ayon sa nasabing ensayklopedya, ay ang pagiging ganap sa moral, at masasabing walang kapintasan.
Nakakapansin ka ba ng pagkakaiba? Mukang wala naman. Ang isang mabuti ay nagtatapat din. At ang isang matapat ay nakagagawa ng mabuti. Pero sa mga gawa ay magagamit mo sa magkaibang kalagayan ang mga salitang iyan.
Magagawa mo lamang iyan na bahagi ng iyong paggawi kung nauunawaan mo ang mga kasangkot na moral na pamantayan. Hind ito kung ano lamang ang "in" sa ngayon. Baka nga mas naiiba at tila hindi na praktikal ang mga moral na pamantayan sa ngayon gaya ng isyu sa paglilingkod sa kapuwa, sekswalidad, pagpili ng karera.
Halimbawa nito ay ang pagkakawang-gawa. Marami pa din ang gumagawa nito at mayroong pa ngang mga malalaking organisasyon ang sumusuporta dito. Pero ang motibo nito para sa publisidad ang nakasisira mismo sa kahulugan ng kabutihan. Baka naibibigay lamang natin ang kailangan nila sa panlabas, pansamantala at iyong nakikita ng publiko. Ang pagnanakaw ba ni Robinhood sa mayayaman para ipakain sa mahihirap ay isang batayan ng kabutihan mo?
Gayundin naman ang pagsasa-alang-alang ng katapatan ng isang asawa. Baka namimihasa siya sa pagsisinungaling sa kaniyang kabiyka para lamang hindi sila mag-away. Talaga bang makatuwiran ang white lies?
Ang mga maliliit na bagay na ito ay mayroong matatatag na pamantayang moral na inuulat sa Bibliya. Kapag nagagawa mo ito, masasabi mong nagigigng ganap ang iyong pagpapakit ang kabutihan at katapatan.
Comments
Post a Comment